Napansin mo ba na parang sunod-sunod ang kamalasan mula nang lumipat ka sa bago mong bahay? Parang hindi natatapos ang mga problema. May nagkakasakit, madalas ang away, at kahit may pumapasok na pera, mabilis din itong nauubos dahil sa mga hindi inaasahang gastos.
Kung oo, posibleng may negatibong enerhiyang naiwan ng mga dating nakatira sa bahay. Maaari ring may mga hindi nakikitang elementong namamahay sa inyong tahanan na tutol sa inyong pagtira diyan.
Hayaan mong tulungan kitang alisin ang mga negatibong puwersa sa inyong tahanan at protektahan kayo mula sa mga ito. Ako na ang mag-aasikaso ng lahat ng materyales na kailangan, at may kasama pa itong libreng Reiki healing session.
Kung handa ka na, punan mo lang ang form sa ibaba. Kung gusto mo ring magpabasa ng baraha o magpabatak ng dungan, maaari rin nating gawin ang mga ito pagkatapos ng house cleansing. Sabihin mo lang sa akin sa optional message field ng form kung may gusto kang ipasabay.
Tandaan na tumatanggap lang ako ng house cleansing requests sa Cavite at Manila tuwing Linggo. Para sa schedule, bibigyan kita ng listahan ng mga available na petsa para makapili ka ng araw na babagay sa schedule mo.
Kung hindi makita ang form sa ibaba, gamitin ang link na ito: https://forms.gle/tpYQoZD7ex2qJMmy5