Ang palm reading o panghihimalad ay parang pag-unawa sa kuwento ng buhay mo gamit ang mga linya sa iyong palad. Binabasa ko ang parehong palad para mas makita ang iyong mga likas na katangian, kung paano ka mag-isip at magdesisyon, at kung paano ito nakakaapekto sa takbo ng buhay mo.
Sa reading, tinutukoy ko ang iyong mga lakas at kahinaan, pati na rin ang mga posibleng oportunidad sa career at mga pattern sa relationships na dapat mong bantayan. Halimbawa, kung may posibilidad kang mapunta sa unhealthy relationships, ipapaalam ko ito sa iyo at magbibigay ako ng payo kung paano ito maiiwasan.
Tinitingnan ko rin ang mga linya sa palad bilang gabay para mas maintindihan ang mga pagsubok at aral na maaaring dumaan sa buhay mo. Para sa akin, ang maraming linya ay hindi nangangahulugang malas ka. Sa halip, paalala ito na marami kang karanasang pwedeng pagkunan ng mahahalagang aral sa buhay.
Interesado ka bang malaman kung ano ang sinasabi ng iyong palad? Punan lang ang form sa ibaba para makatanggap ng comprehensive na palm reading.
Kung hindi makita ang form sa ibaba, gamitin ang link na ito: https://forms.gle/jcDJNUGTEBg4Kwhz5
SAMPLE: https://drive.google.com/file/d/133sbJNsdSI5b3lHv-OQSV1MAWjWwdwao/view?usp=sharing