Pampaswerte o Pantaboy ng Malas

Dumarating talaga ang mga pagsubok sa buhay para tayo ay tumibay at matuto. Pero kapag sunod-sunod na ang mga problema, minsan may mas malalim na espiritwal na dahilan sa likod nito.

Bilang isang Babaylan, naniniwala ako na ang sunod-sunod na pagsubok sa buhay ay maaaring may kaugnayan sa karma, ancestral energy, o sa dark arts.

1. Karmic

Kapag karmic, karaniwan itong may kaugnayan sa isang bagay na nagawa mo—maaaring sa buhay mo ngayon o sa nakaraang buhay—na nagdudulot ng hadlang sa tagumpay mo.

Minsan, simpleng bagay lang ito na hindi mo akalaing may epekto, tulad ng pananakit sa ibang tao, at ngayon ay bumabalik sa iyo sa ibang paraan. Kung galing naman ito sa nakaraang buhay, hindi mo rin ito madaling matatakasan. Kailangan mo munang harapin at bayaran ito para tuluyan kang makawala sa siklo ng karma.

2. Ancestral

Narinig mo na siguro ang kasabihang “Ang anak ang sumasalo ng karma ng magulang,” hindi ba? Kaya posible rin na ang malas na nararanasan mo ay may kaugnayan sa mga hindi pa nalulutas na problema o enerhiya mula sa pamilya mo.

Maaaring may ninuno kang nakagawa ng malaking kasalanan noon, at ikaw ngayon ang nakakaranas ng epekto nito.

3. Dark Arts

Hindi mo talaga alam kung sino ang nakakasalamuha mo araw-araw. May mga taong may galit, inggit, o sama ng loob sa’yo, at maaari silang magpadala ng mga spiritual attack nang hindi mo namamalayan.

Kapag nasa ilalim ka ng spiritual attack, tulad ng kulam o evil eye, may ilang senyales kang makikita tulad ng hirap makatulog, madalas na pagkakasakit, at sunud-sunod na malas.

Kahit may proteksyon ka, maaari pa rin itong tumalab. Mas malakas ang epekto nito kung may nagawa kang mali sa taong iyon. Pero kung wala ka namang ginawang masama, maaari pa rin itong kumapit, lalo na kung mahina ang iyong dungan.

Paano mo matatanggal ang impluwensiya nito sa iyo?

Maraming nagsasabi na sapat na ang paliligo sa tubig na may asin. Totoo, epektibo ito kung simpleng inggit o negatibong enerhiya lang ang dahilan. Pero paano kung mas malalim ang pinanggagalingan, tulad ng enerhiya mula sa karma, pamilya, o kulam? Hihintayin mo pa bang lumala ang sitwasyon o madamay pa ang mga mahal mo sa buhay?

Kung ganito na ang nararanasan mo, mas mabuting magpagawa na ng Obstacle Removal Ritual para maputol ang negatibong enerhiya na humahadlang sa iyo para dumating ang swerte at mas gumaan ang takbo ng buhay mo.

Kung handa ka na, i-fill out mo lang ang form sa ibaba at i-check ang email mo pagkatapos ng ilang minuto. Kung wala ito sa inbox, pakitingnan din ang spam folder.

Kung hindi gumagana ang form sa ibaba, gamitin mo ang form na ito: https://forms.gle/ha8Tbq8Wc2uquoiL9