Ano ang Personal Birth Chart Reading?
Magkaiba pa rin ang ugali ng mga taong may parehong zodiac sign. Halimbawa, kahit parehong Sagittarius ang dalawang tao, iba pa rin ang paraan nila ng pag-iisip, pagdedesisyon, at pakikitungo sa iba.
Sa astrology, ginagamit ang petsa, oras, at lugar ng kapanganakan upang makabuo ng birth chart. Dito tinitingnan ang zodiac signs, houses, at posisyon ng mga planeta para matuklasan ang iyong mga kalakasan at mga oportunidad na makakatulong sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay mo.
Ano ang makikita sa iyong birth chart?
1. Mga pattern sa pag-ibig at relasyon
Halimbawa, kung Pisces ang Descendant mo at nasa ikapitong house ang Neptune, maaari mong pangarapin ang isang relasyong parang fairytale. Kaya kapag nagbago ang ugali ng partner mo, mawawalan ka na ng gana dahil hindi na ito tugma sa inaasahan mo. Minsan, mas pinipili mong manahimik kaysa pag-usapan ang mga problema.
Sa reading, tutulungan kitang makita ang mga ganitong pattern, mapansin ang mga red flag, magtakda ng boundaries, at matutong harapin ang mga problema sa relasyon sa halip na iwasan ang mga ito.
2. Mga oportunidad sa career
Halimbawa, kung Sagittarius ang nasa ikasampung house mo, maaaring lumabas sa interpretasyon na mahalaga sa iyo ang pag-aaral, pagtuturo, pananaliksik, paglalakbay, at paghahanap ng bagong kaalaman.
Pwede mong subukan ang mga career na konektado sa mga larangang ito, tulad ng pagtuturo, pananaliksik, o mga trabahong may kinalaman sa paglalakbay. Pero mahalaga ring tingnan ang iba pang bahagi ng chart bago gumawa ng mas malawak na interpretasyon.
3. Mga hamon at bagay na kailangang paglaanan ng tiyaga
Halimbawa, kung may hindi magandang aspect si Saturn sa 10th house sa chart mo, maaaring ibig sabihin nito na kailangan mo ng mas mahabang panahon, disiplina, at consistency bago mo makita ang resulta ng iyong pagsisikap.
Hindi ibig sabihin nito na mabibigo ka o maaantala ang iyong career. Paalala lang ito na kailangan mong magplano nang maayos, magtiyaga, at huwag sumuko kahit matagal bago mo maabot ang mga pangarap mo.
Get Your Natal Chart Report
Kung handa ka nang malaman ang kahulugan ng mga posisyon ng mga planeta at bituin sa iyong natal chart at makita ang epekto nito sa buhay mo ngayon, punan mo lang ang form sa ibaba.
Kung hindi makita ang form, gamitin ang link na ito: https://forms.gle/gwjWvet9rGQxQvFj6
SAMPLE: https://drive.google.com/file/d/1lTXDG0c3YfisQl6zV2iFbJdRD0QL9UTn/view?usp=sharing












