Batak Dungan

Bawat parte ng katawan natin ay may kanya-kanyang dungan o “soul.” Kapag mahina ang kapit ng dungan, maaari itong kumawala at makaapekto sa bahagi ng katawan na konektado rito. Halimbawa, kung ang dungan sa ulo ay kumawala, maaaring makaranas ang isang tao ng head injury o mga sakit na may kinalaman sa utak. Kaya habang bata pa lang, maganda na maisailalim ito sa ritwal ng batak dungan para sa proteksyon.

Bukod dito, narito ang ilang karaniwang palatandaan na napapansin ko sa mga taong may dungan na kumawala.

1. Napaglalaruan ng Masasamang Elemento

May pasyente ako noon na bigla na lang nagbago ang ugali—parang may sapi. Sinaksak niya ang sarili pagkatapos kumain ng bayawak na alaga ng isang diwata. Dahil malayo ako sa kaniya, larawan at pangalan lang niya ang ginamit ko para makakonekta sa kaniya. Sa kabutihang palad, bumalik naman sa normal ang pasyente at wala siyang maalala sa nangyari pagkatapos ng isang araw.

2. Lapitin ng Aksidente

Bukod sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari, madalas maaksidente ang mga taong may kumawalang dungan. Kaya magandang mabatakan ng dungan ang isang tao habang sanggol pa ito para mailayo siya sa disgrasya.

3. Laging Sakitin

Isa rin sa mga senyales ng mahinang dungan ang pagiging sakitin. Nakita ko ang epekto nito sa anak ko. Nang mabatakan siya ng dungan, napansin ko na madalang na siyang magkasakit.

Kung gusto mong magpabatak ng dungan, punan mo lang ang form sa ibaba. Kung hindi mo makita ang reply ko sa inbox, baka napunta ito sa spam o junk folder mo.

Ito ang alternative form kung hindi gumana ang form sa ibaba: https://forms.gle/E3pDxUnGNfkWvZGa7