May mga tanong ka ba tungkol sa pag-ibig, trabaho, pera, o sa direksyong tatahakin mo sa buhay? Kung nahihirapan kang magdesisyon o hindi mo alam ang susunod na hakbang, tutulungan kitang mas maunawaan ang iyong sitwasyon sa pamamagitan ng Tarot reading.
Noong 2023, nagsimula akong gumamit ng Tarot para gabayan ang sarili kong mga desisyon. Malaki ang naitulong nito sa akin—nakita ko ang mga oportunidad sa trabaho, natulungan ko ang pamilya ko, at natupad ko ang pangarap kong makapagtapos ng kursong Pharmacy.
Ngayon, nais kong ibahagi sa iyo ang gabay na naging mahalaga rin sa akin. Sa tulong at biyaya ni Bathala, sana ay matulungan kitang mas maintindihan ang iyong sitwasyon.
Kasama sa reading ang:
- Three-Month Forecast: Bibigyan kita ng gabay para sa susunod na tatlong buwan tungkol sa pag-ibig, kalusugan, trabaho, at pera.
- Sampung Specific Questions: Sasagutin ko rin ang sampung tanong mo tungkol sa relasyon, trabaho, pera, personal na desisyon, o iba pang mahalagang bahagi ng buhay mo.
Kung handa ka na, pakipunan lang ang form sa ibaba at tingnan ang iyong email para sa susunod na hakbang. Kung wala sa inbox ang sagot ko, paki-check din ang spam folder.
Kung hindi mo makita ang form sa ibaba, gamitin ang link na ito: https://forms.gle/jZXG1N8bvgXUACQJ6