Mga Palatandaan na ang Isang Tao ay Nagayuma sa Hindi Tamang Paraan

Hindi naman talaga likas na masama ang gayuma sa pag-ibig. Depende ang epekto nito sa layunin. Halimbawa, kung ang intensyon mo ay para lang paglaruan ang damdamin ng isang tao, magkakaroon talaga ito ng hindi magandang epekto sa gagawan ng ritwal.

Bukod dito, mahalagang malaman na may tamang proseso na kailangang sundin. Halimbawa, kung gagawin mo lang ang ritwal nang hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ng isang tao para sa iyo, o kung may mahal na siyang iba, magdudulot ito ng hindi magandang epekto sa kanya.

Mahalaga rin ang paraan ng paggawa ng gayuma. Hindi lang ito basta pagsisindi ng kandila o pagbigkas ng orasyon. May tamang proseso na hindi mo basta makikita sa mga ritwal na nakikita online. Kung ipipilit mo pa rin ang DIY love spell, maaaring gumana ito, pero malaki ang posibilidad na magdulot ito ng negatibong epekto sa taong gagawan mo, pati na rin sa iyo.

Narito ang ilang palatandaan na maaaring makita sa isang taong ginayuma sa maling paraan:

  • Biglaang pagbabago ng ugali, tulad ng pagiging mainitin ang ulo, iritable, o mapanakit.
  • Matinding pagkahumaling, kung saan nagiging sobrang attached o obsessed sa taong gumayuma, hanggang sa napapabayaan na ang sarili at naaapektuhan pati ang mga mahal sa buhay.
  • Kakaibang panaginip, tulad ng madalas na bangungot o paulit-ulit na panaginip tungkol sa taong gumayuma sa kaniya.
  • Panghihina ng katawan, gaya ng pakiramdam na laging pagod, mabigat ang katawan, o walang sigla kahit sapat ang pahinga.
  • Paglayo ng loob, kung saan imbes na mapalapit, mas lalo siyang lumalayo, nagagalit, o naiirita sa taong gumayuma sa kanya.

Kaya bago mo subukan ang mga DIY love spell na nakikita online, mas mabuting pag-aralan mo muna nang mabuti ang proseso. Maaari kang magpaturo sa isang may alam o magpagawa na lang sa kanya. Siguraduhin lang na magsasagawa muna siya ng Tarot reading bago tanggapin ang request mo at hindi siya kumokonsulta sa masasamang elemento.

Response

  1. […] Hindi ko pwedeng ibahagi sa lahat ang buong proseso dahil madali itong abusuhin. Kapag napunta ito sa maling tao, maaari itong gamitin para manipulahin ang iba, manakit, o pilitin ang isang tao na pumasok sa relasyong hindi naman niya gusto. Ayoko ring maging responsable sa mga posibleng bunga ng maling paggamit ng gayuma. […]

Leave a Reply

Discover more from Babaylan Tata Adlaw

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading