Paano Manggayuma Gamit ang Pangalan, Picture, Laway, at Damit

Paano nga ba gumawa ng gayuma para sa taong mahal mo? Kung akala mo love potion lang ang solusyon, nagkakamali ka. Maraming klase ng gayuma na ginagamit para mapabalik ang ex, mapatino ang asawang nagloloko, o mapaibig ang isang tao. Narito ang ilan sa mga ito:

1. Gayuma na Ginagamitan ng Litrato at Pangalan

Ito ang madalas gamitin dahil madali lang itong gawin. Isulat mo lang ang pangalan ng babae o lalaki na gusto mo sa likod ng kanyang litrato, tapos ilagay mo ito sa ilalim ng unan mo.

Mag-ingat ka, dahil marami na akong naging kliyente na sumubok nito, pero kabaligtaran ang nangyari sa kanila. Imbes na mahumaling sa kanila ang taong ginagayuma, sila pa ang mas nahulog sa taong iyon.

2. Gayuma na Ginagamitan ng Laway

Sabi nila, kung gusto mong mapaamo o mapasunod ang isang tao, pwede raw lagyan ng laway ang pagkain o inumin niya. May iba pa ngang gumagamit ng regla dahil mas malakas daw ang epekto nito.

Pero parang love potion din ito. Kapag nainom ito ng hindi mo target, pwedeng mawala ang bisa o mapunta sa maling tao ang epekto. Isa pa, hindi malinis ang ganitong paraan at maaaring maging sanhi ng sakit.

3. Gayuma Gamit ang Damit o Salawal

Pwede mo raw pausukan o pakuluan ang damit o salawal ng taong gusto mong mabaliw sa kakaisip sa’yo. Siguraduhin mo lang na hindi pa ito nalalabhan at hindi pa ito nasusuot ng iba.

4. Gayuma na Inilalagay sa Pabango

Ihahalo lang daw ito sa pabango na gagamitin mo. Sabi nila, pwede rin itong gamitin na pampaswerte sa negosyo. Mahirap lang malaman kung totoo dahil napakarami na nito online. Kaya bago ka bumili, basahin mo muna ang reviews para makasiguro ka.

5. Palipad Hangin

Ito naman ang uri ng gayuma na gumagamit ng orasyon na ibinubulong sa hangin para mapasunod ang isang tao sa gusto mo. Ingat lang, dahil kung malakas ang depensa niya, pwedeng magkaroon ito ng masamang balik sa’yo.

Ilan lang iyan sa iba’t ibang uri ng gayuma sa pag-ibig. Madalas, makikita mo na rin sa YouTube o TikTok kung paano ito ginagawa. Maghinay-hinay ka lang, dahil pwede itong magdulot ng masamang epekto sa’yo at sa target mo. Sa totoo lang, marami sa mga nagpo-post niyan ay wala naman talagang alam at kadalasan, ginagawa lang nila ito para sa views.

Kung gusto mo ng gayuma na walang masamang epekto, posible iyon. Kailangan mo lang malaman ang tamang proseso. Tandaan, kapag tumalab ang ginawa mo at walang masamang balik sa’yo, malinaw na senyales iyon na tama ang pagkakagawa ng ritwal. Pero kung hindi, mas mabuting kumonsulta ka na lang sa mapagkakatiwalaang manggagayuma.

BASAHIN:Ang Tamang Paraan ng Pagsasagawa ng Gayuma ng Pag-ibig

Mag-iwan ng Komento