Gaano Katagal ang Bisa ng Gayuma?

Nakasalalay ito sa taong gumagawa ng gayuma at sa kalagayan ng taong nagpapagawa nito.

May mga manggagayuma na tumatanggap agad ng request nang hindi muna tinitingnan kung talagang kailangan ang ritwal. Kapag pinilit ang isang bagay na hindi na dapat, maaaring gumana ito, pero madalas, panandalian lang ang epekto.

Halimbawa, kung gagamitin ang gayuma para pilitin ang isang tao na mahalin ka, maaari mong makuha ang gusto mo sa pamamagitan ng ritwal. Pero dahil hindi ito natural, mabilis din itong mawawalan ng bisa.

Iba ang nagiging resulta ng gayuma kapag ginawa ito sa proseso. Halimbawa, kung sa Tarot reading ay lumabas na puwede pa itong idaan sa ritwal at walang nalalabag na free will, mas malaki ang posibilidad na tumagal ang epekto nito.

Tandaan, kahit tama ang proseso, hindi ibig sabihin na wala ka nang kailangang gawin. Kung bumalik man ang ex mo dahil sa gayuma, pero inuulit mo pa rin ang mga pagkakamaling naging dahilan ng hiwalayan ninyo, posible pa rin kayong maghiwalay ulit.

Kaya mahalaga na ang manggagayuma na lalapitan mo ay marunong umunawa sa sitwasyon at makapagbibigay ng tamang payo. Hindi sapat na makuha mo lang ang gusto mo. Dapat alam mo rin kung ano ang dapat iwasan at gawin para tumagal ang epekto nito.

Leave a Reply

Discover more from Babaylan Tata Adlaw

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading