Free Tagalog Tarot Reading

May tanong ka ba tungkol sa pag-ibig, trabaho, negosyo, o mahalagang desisyon sa buhay? Pwede kang humingi ng libreng Tagalog Tarot Reading para matulungan kang magabayan sa sitwasyon mo.

Paano mag-request?

Punan lang ang form sa ibaba. Pwede kang magpadala ng bagong request tuwing 14 na araw, pero hanggang dalawang tanong lang ang masasagot ko bawat buwan.

Para mas malinaw ang sagot sa tanong mo, gawing specific at magbigay ng sapat na detalye.

Halimbawa:

Sa halip na: Yayaman ba ako?

Mas mabuti: Kung itutuloy ko ang plano kong magtayo ng food business, ano ang mga posibleng oportunidad at hamon na dapat kong paghandaan? Ano ang maipapayo ng Tarot tungkol dito?

Mga paalala bago mag-submit

  • Siguraduhing malinaw at specific ang tanong mo. Iwasan ang mga tanong na masyadong malawak o kulang sa detalye.
  • Igalang natin ang privacy ng iba. Hindi ako tumatanggap ng tanong na may layuning makialam sa pribadong buhay ng ibang tao o alamin ang mga bagay na hindi nila kusang ibinahagi sa iyo.
  • Siguraduhing wholesome ang tanong mo at ang code name na ibibigay mo.