Live Online Tarot Reading

Nagbabasa na ako ng Tarot cards mula noong 2003 at naging malaking tulong ito sa mahahalagang desisyon ko sa buhay. Nakatulong ito sa akin na makahanap ng stable na trabaho sa digital marketing, magkaroon ng maayos na income para masuportahan ang pamilya ko, at maipagpatuloy ang pangarap kong maging bahagi ng allied health field.

Ngayon, gusto ko ring ibahagi sa iyo ang gabay na natutunan ko sa Tarot. Kung may mga tanong kang matagal nang gumugulo sa isip mo, nahihirapan kang magdesisyon, o kailangan mo lang ng gabay sa mga pinagdadaanan mo, maaari kitang tulungan sa pamamagitan ng Tarot reading.

Kung gusto mong magpa-reading, punan mo lang ang form sa ibaba at piliin ang mga available na schedule para sa iyo. Maaari kang pumili ng isa o higit pang time slots para mahanapan kita ng schedule na tugma sa availability nating dalawa.

Pagkatapos mong mag-submit ng form, i-check mo ang email mo para sa susunod na hakbang. Kung wala sa inbox, tingnan ang spam o junk folder at siguraduhing hindi puno ang email mo para matanggap ang reply ko.


RECENT TESTIMONIALS