Ako si Babaylan Tata Adlaw, isang tarot reader, astrologer, at numerologist. Nagsimula ang interes ko sa ganitong larangan noong high school pa ako. Noon, wala pang internet, kaya sa mga diyaryo at iba pang babasahin ako kumukuha ng impormasyon tungkol sa mga bagay na gusto kong maintindihan.
Noong second year high school, may nagbigay sa akin ng oracle cards. Simula noon, madalas na akong kumonsulta sa mga baraha para matulungan akong magdesisyon sa buhay.
Hindi naging madali ang buhay namin noon. Bilang panganay, pakiramdam ko kailangan kong tumulong sa pamilya. Hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil kailangan kong magtrabaho. Hindi rin naging madali ang paghahanap ng trabaho dahil high school graduate lang ako. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng mas maayos na kita para makatulong sa pamilya ko.
Noong una, tumutol ang pamilya ko sa paggamit ko ng mga baraha dahil masama daw ito. Lumaki akong nakikita ang lola kong nanggagamot sa aming lugar. Siya rin ang tumutulong sa amin tuwing may nagkakasakit. Dahil sa karanasang iyon, naniwala akong magagamit ko ang mga natutuhan ko sa paraang makabubuti para sa iba.
May isang pagkakataong tinulungan ako ng mga baraha na makita ang kakayahang hindi ko gaanong pinapansin: ang pagsusulat. Mahilig akong magsulat at mag-journal noong high school, lalo na kapag may mga bagay akong hindi masabi sa iba.
Kalaunan, sa pamamagitan ng pagkonsulta sa Tarot, nakakita ako ng job opening sa isang digital marketing company. Nag-apply ako bilang writer at natanggap. Nakatulong ang trabahong iyon para mas masuportahan ko ang pamilya ko.
Sa ngayon, patuloy kong ginagamit ang aking kaalaman sa tarot, astrology, at numerology upang gabayan ang iba sa kanilang mga tanong at mga desisyon sa buhay.
Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang biyayang natanggap ko sa pamamagitan ng pagtatagna o fortune-telling. Gamit ang aking mga natutuhan at karanasan, tutulungan kitang mas makilala ang sarili mo at mahanap ang landas na higit na makabubuti para sa iyo.
Fortune-Telling Services
Tarot Reading – ₱700.00
Gamit ang Tarot, titingnan natin ang mga posibleng mangyari sa pag-ibig, pera, trabaho, at kalusugan sa loob ng 3 buwan. Bibigyan din kita ng payo kung paano haharapin ang mga sitwasyong maaaring dumating. Kasama rin ang sagot sa 10 personal mong tanong.
Birth Chart Reading – ₱700.00
Sa iyong natal chart, mas mauunawaan mo kung paano ka mag-isip, kumilos, humarap sa mga pagsubok, at makita ang mga oportunidad na maaaring hindi mo pa napapansin.
Numerology Reading – ₱700.00
Mas makikilala mo ang iyong sarili, ang landas na maaaring angkop sa iyo, at ang mga aral na maaari mong matutuhan sa buhay. Kasama rin ang lifetime forecast hanggang edad 81 upang magkaroon ka ng gabay sa pagharap sa iba’t ibang yugto ng iyong buhay at sa mga desisyong gagawin mo.













