Ano ang layunin mo sa buhay?
Bilang Taurus, mahalaga sa’yo ang magkaroon ng matatag at komportableng buhay. Mas gusto mong pinaghihirapan at unti-unting binubuo ang mga bagay kaysa umasa sa swerte. Hangad mong magkaroon ng matatag na relasyon at sapat na pera para mabuhay nang komportable.
Sino ang mga zodiac signs na bagay sa’yo?
Pinaka-compatible ka sa Virgo at Capricorn dahil pareho kayong praktikal, responsable, at seryoso sa relasyon. Pareho rin kayong naghahanap ng stability at pangmatagalang commitment. Bagay ka rin sa Cancer at Pisces dahil mas madali nilang naipapahayag ang nararamdaman at hindi sila nahihiyang magpakita ng lambing. Nakakatulong ito para mas maging open ka rin sa pagpapakita ng emosyon mo.
Saang career ka nababagay?
Bagay sa’yo ang mga trabahong may kinalaman sa pera, negosyo, sining, at kalikasan. Pwede kang maging banker, chef, designer, real estate agent, o negosyante. Mas gusto mo ang trabahong may regular na kita, maayos na benepisyo, at pagkakataong umunlad. Gusto mong makita na sulit ang oras at effort na ibinibigay mo.
Ano ang madalas mong pagsubok sa buhay?
Minsan, matigas ang ulo mo at nahihirapan kang tanggapin ang pagbabago, lalo na kapag nakasanayan mo na ang isang sitwasyon. Halimbawa, kahit hindi ka na masaya sa trabaho o relasyon mo, pinipili mo pa ring manatili dahil natatakot kang magsimula ulit o mawalan ng stability. Minsan, kailangan mong baguhin ang mga nakasanayan mong gawain o sitwasyon kung hindi na nakakatulong ang mga ito sa iyong pag-unlad.
Ano ang dapat mong bantayan sa kalusugan?
Sa astrology, iniuugnay ang Taurus sa leeg at lalamunan. Kaya dapat mong bigyang-pansin ang kalusugan ng lalamunan at thyroid. Bantayan ang pananakit o paninigas ng leeg at balikat, lalo na kung madalas kang nakaupo o hindi gaanong gumagalaw. Kung mahilig ka sa matatamis at mamamantikang pagkain, bawasan ang mga ito at panatilihing balanse ang iyong diet. Mag-ehersisyo nang regular para mapanatiling malusog at malakas ang katawan mo.
