May Gayuma Ba Talaga Para Mabaliw Siya sa Iyo?

Kung naghahanap ka ng gayuma para mabaliw sa iyo ang taong mahal mo, baka nami-miss mo lang kung paano ka niya tratuhin noon. Dati, siya ang unang nagme-message, nagyayayang lumabas, at gumagawa ng paraan para magkita kayo. Pero ngayon, parang ikaw na lang ang laging naghahabol ng atensyon niya.

Paano nga ba makakatulong ang gayuma sa ganitong sitwasyon?

Para sa akin, hindi naman kailangang maging sobrang obsessed sa iyo ang isang tao para maging okay ulit kayo. Kapag sobra ang pagkahumaling niya, baka maging possessive pa siya at lalo lang kayong magkaroon ng problema. Mas maganda kung aayusin ninyo ang mga bagay na naging dahilan ng paglayo ninyo sa isa’t isa.

Bago ka sumubok ng ritwal, pag-isipan mo muna kung bakit nagbago ang pakikitungo niya sa iyo. May nasabi o nagawa ka bang nakasakit sa kanya? Baka pakiramdam niya ay siya na lang ang laging nag-e-effort sa relasyon. O baka may problema kayong hindi pa napag-uusapan. Minsan, alam naman natin kung saan nagsimula ang problema, pero nahihirapan lang tayong aminin ito.

Kung hindi mo matukoy kung bakit siya lumayo, maaari kang magpa-tarot reading para mas maintindihan ang sitwasyon. Makakatulong ito para makita mo kung ano ang posibleng pinagmulan ng problema at kung ano ang maaari mong gawin para ayusin ito.

BASAHIN: Ano ang Dapat Mong Asahan sa Isang Tarot Reading?

Kapag mas malinaw sa iyo ang sitwasyon, mas madali mong matutukoy kung ano talaga ang gusto mong mangyari. Gusto mo bang mapatawad ka niya? Maibalik ang tiwala niya sa iyo? O mabibigyan kayo ng pagkakataong ayusin ang relasyon at magsimula muli?

Mahalagang malinaw ang layunin mo bago magsagawa ng ritwal. Pero tandaan na hindi sapat ang ritwal lamang. Kung kailangan mong humingi ng tawad, makipag-usap nang maayos, o baguhin ang pakikitungo mo sa kanya, kailangan mo ring gawin ang parte mo.

Mag-ingat din sa mga DIY love spell na nakikita mo online. Hindi porke may nakitang ritwal na sinasabing epektibo ay angkop na agad ito sa sitwasyon mo. Bago sumubok ng anumang ritwal, unawain muna kung ano ang layunin nito at kung paano ito isinasagawa.

BASAHIN: Mga Sangkap ng Gayuma

Leave a Reply

Discover more from Babaylan Tata Adlaw

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading